California, Amerika—Ipininid dito nitong Martes, ika-16 ng Pebrero, 2016, ang di-pormal na pulong ng mga lider ng Amerika at mga bansang ASEAN. Isiniwalat ng kalahok ng ASEAN na nagtangka ang Amerika na banggitin ang Tsina at South China Sea sa magkasanib na pahayag na inilabas pagkatapos ng pulong, at isulat sa dokumento ang isang serye ng "regulasyon" at "simulain" na binalak ng Amerika. Pero hindi sumang-ayon sa nasabing mga isyu ang ASEAN.
Tinukoy sa pulong ni Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore, na dapat gawing paunang kondisyon ng isang serye ng isyung panrehiyon na kinabibilangan ng isyu ng South China Sea ang pangangalaga sa katatagan at katiwasayan ng rehiyon, at dapat hawakan ang mga isyung ito sa mapayapaang paraan.
Binigyang-diin naman ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand na ang "Declaration on the Conduct of Parties in South China Sea" (DOC) ay mabisang mekanismo ng paglikha ng pagtitiwalaan at paglutas sa kontradiksyon sa pagitan ng iba't ibang may kinalamang panig, kaya dapat pabilisin ng mga panig ang pagsasanggunian hinggil sa "Code of Conduct for the South China Sea" sa loob ng balangkas ng DOC.
Salin: Vera