Kaugnay ng katatapos na di-pormal na pulong ng mga lider ng Amerika at ASEAN sa California, sinabi kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na winewelkam ng kanyang bansa ang pag-unlad ng relasyon ng Amerika at mga bansang ASEAN.
Dagdag pa niya, ang naturang relasyon ay dapat makatulong sa kooperasyon at pag-uugnayan ng iba't ibang panig ng rehiyong Asya-Pasipiko, at katatagan at kaunlaran ng rehiyong ito.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, sinabi ni Hong na ang karamihan ng mga bansang ASEAN ay tumutol sa pagpukaw ng iilang bansa sa isyung ito sa nasabing pulong. Aniya pa, ang pagpukaw sa isyung ito ay magkakapinsala sa pagtitiwalaan ng mga bansa sa rehiyong ito at makakahadlang sa mga pagsisikap para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng South China Sea.
Sinabi ni Hong na nakahanda ang Tsina na patuloy na patingkarin, kasama ng mga bansang ASEAN, ang konstruktibong papel para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito at mapayapang lutasin ang mga hidwaan.
Sinabi pa ni Hong na ang Amerika ay hindi kasangkot na bansa sa isyu ng South China Sea, kaya dapat maingat ito sa mga kilos at pananalita para makatulong sa mapayapang paglutas sa isyung ito.