Ayon sa Xinhua News Agency, pagkaraan ng pag-uusap kahapon, Pebrero 19, 2016, nina Peter Szijjarto, Ministrong Panlabas ng Hungary, at Ali Akabar Salehi, Pangalawang Pangulo ng Iran, sinabi nila na patuloy na pauunlarin ng dalawang bansa ang kooperasyong nuklear.
Sinabi ni Peter Szijjarto na ipagpapatuloy at palalawakin ng dalawang bansa ang pagsasanay sa mga ekspertong nuklear ng Iran, at isasagawa ang kooperasyong pansiyensiya't panteknolohiya sa aspekto ng mapayapang paggamit ng enerhiyang nuklear. Aniya pa, tinalakay din ng dalawang panig ang isyu hinggil sa kung paano makikilahok ang mga bahay-kalakal ng Hungary sa paggagalugad ng yamang langis at gas ng Iran.
Salin: Li Feng