Ipinahayag Enero 17, 2016 ni Pangulong Barack Obama ng Amerika ang pagpapataw ng bagong sangsyon laban sa mga bahay-kalakal at indibiduwal na may kinalaman sa ballistic missile project ng Iran.
Noong Enero 16, 2016, ipinatalastas ng Amerika ang pag-aalis ng sangsyon laban sa Iran, dahil sa isyung nuklear nito.
Pero, ipinahayag ni Pangulong Obama na kahit nasuspinde na ng Amerika ang mga sangsyon laban sa Iran, alinsunod sa mga katugong kahilingan ng "Komprehensibong Kasunduan Hinggil sa Isyung Nuklear ng Iran," na narating ng mga may-kinalamang anim na bansa at Iran, noong Hulyo 2015, ipagpapatuloy pa rin ng kanyang bansa ang sangsyon laban sa naturang bansa, bilang tugon sa problema nito sa larangan ng karapatang pantao at pagbibigay-suporta sa mga aksyong teroristiko. Mapapabigat pa rin aniya ng pamahalaang Amerikano ang sangsyon laban sa Iran, bilang tugon sa paggagalugad sa ballistic missiles technology.