Nagtapos kahapon, Pebrero 21, 2016 ang limang araw na pagbisita ng plota ng hukbong pandagat ng Tsina sa Thailand. Ang plotang Tsino ay binubuo ng Barkong Liuzhou, Sanya, at Qinghai Lake. Sa pagtigil sa Thailand, nagsagawa ang hukbong pandagat ng Tsina at Thailand ng magkasanib na ensayo sa karagatan.
Ipinahayag ni Yu Manjiang, pinuno ng plotang Tsino na ang naturang biyahe ay para ibayo pang mapahigpit ang pagpapalitan, pagtutulungan at pagtitiwalaan ng dalawang hukbong pandagat.
Pagkaraan ng matagumpay na bisita sa Thailand, lumisan kahapon ang plotang Tsino mula sa Laem Chabang Port, patungo sa Kambodya.