Ipinahayag kahapon, February 23, 2016, ng Ministri ng Tanggulan ng Tsina na legal at makatuwiran ang paged-deploy ng mga kinakailangang pasilidad na pandepensa sa Nansha Islands ng Tsina. Anito pa, ang aksyong ito ay alinsunod sa kapangyarihan ng pagtatanggol sa sarili sa ilalim ng pandaigdigang batas.
Ayon sa nasabing departamento, ang mga konstruksyon ng Tsina sa Nansha Islands ay nagtatampok, pangunahin na, ng mga serbisyong pampubliko na gaya ng navigation at weather forecast.
Ayon pa sa nasabing departamento, mali ang mga puna ng panig Amerikano na di-umano'y iligal ang konstruksyon ng Tsina sa Nansha Islands.
Salin: Ernest