Kaugnay ng pagpasok kamakailan ng dalawang B-52 bombers ng tropang Amerikano sa himpapawid na malapit sa Nansha Islands ng Tsina, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na muling hinimok ng kanyang bansa ang Amerika na itigil ang ganitong mapanganib at probokatibong aksyon.
Dagdag ni Hong, dapat isagawa ng Amerika ang mabisang hakbangin, para hindi maulit ang anumang aksyong makakapinsala sa soberanya at interes sa seguridad ng Tsina, at makakaapekto sa kapayapaan at katatatagan ng South China Sea.
Nauna rito, ipinahayag ng Pentagon ng Amerika, na hindi sinasadya ang nabanggit na paglipad ng dalawang B-52 bombers. Anito, lumipad ang mga eroplanong ito sa maling ruta, dahil sa masamang lagay ng panahon. Dagdag pa ng panig Amerikano, ini-iimbestigahan nito ang pangyayaring ito.
Salin: Liu Kai