Sinabi ngayong araw, Martes, ika-23 ng Pebrero 2016, sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang tunay na layunin ng pagpapainit ng Amerika ng di-umanong isyu ng malayang nabigasyon sa South China Sea, ay para maghangad ng military hegemony.
Winika ito ni Hua bilang tugon sa pananawagan kamakailan ng isang Amerikanong military officer sa Australya at mga ibang bansa, na ipadala ang bapor militar sa loob ng 12 nautical miles ng mga pinagtatalunang isla sa South China Sea.
Sinabi rin ni Hua na ang malayang nabigasyon na napapasailalim sa pandaigdig na batas ay hindi kalayaan sa pagpapadala ng mga bapor militar sa karagatan ng ibang bansa. Aniya, hindi nakakaapekto ang Tsina sa malayang nabigasyon sa South China Sea. Dapat itigil ng Amerika ang mga pananalita at aksyong di-makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng karagatang ito, dagdag pa ni Hua.
Salin: Liu Kai