Ayon sa ulat ng Youth Newspaper ng Biyetnam, ipinahayag kamakailan ni Bui Huy Hoang, Commercial Counselor ng Biyetnam sa Tsina, na noong 2015, halos 50% ng kabuuang bolyum ng mga iniluwas na bigas ng kanyang bansa ay pumasok sa pamilihang Tsino.
Sinabi niyang 3.35 milyong toneladang bigas ng Biyetnam ang pumasok sa Tsina. Ang Tsina aniya ang siya nang pinakamalaking pamilihang pinagluluwasan ng bigas ng kanyang bansa.
Samantala, ipinahayag ni Bui na kinakaharap ng Biyetnam ang malakas na kompetisyon mula sa Thailand, Pakistan at Cambodia.
Salin: Ernest