Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Jollibee Group of Companies, nakipagkasundo sa Hua Xia Harvest Holdings ng China

(GMT+08:00) 2016-02-24 18:26:37       CRI

IBINALITA ng Jollibee Foods Corporation, ang pinakamalaking food service company sa Asia, na nakipagkasundo sila sa pamamagitan ng Jollibee Worldwide Pte. Ltd. sa Hua Xia Harvest Holdings Pte. Ltd. upang mabili ang 30% ng equity shareholding sa isang joint venture entity, ang Happy Bee Foods Processing Pte. Ltd. Sa pagbiling ito, magiging 100% na itong pag-aari ng Happy Bee.

JOLLIBEE, NAKIPAGKASUNDO SA KUMPANYANG TSINO.  Higit na gumanda ang kalakal ng mga Filipino at Tsino sa kasunduang narating. Ito ang ibinalita ni G. Ismael V. Baysa, (kaliwa) Chief Financial Officer ng Jollibee sa Securities and Exchange Commission kanina.  (File Photo/Melo M. Acuna)

Sa ulat na ipinadala sa Securities ang Exchange Commission ni Ysmael V. Baysa, Chief Financial Officer at Valerie F. Amante, Vice President at pinuno ng Corporate Legal and Corporate Information Office ng Jollibee Foods Corporation, sa kasunduang narating, ang Hua Xia ang magmamay-ari ng 30% samantalang ang Jollibee Worldwide Pte. Ltd. ang may-ari ng 70% ng registered capital ng Happy Bee. Ang Happy Bee ang may-ari ng 100% ng equity interests sa Happy Bee Foods Processing (Anhui) Company Ltd., isang banyagang kumpanyang binuo sa People's Republic of China. May pabrika ang Happy Bee Anhui sa Tsina na siyang tumutugon sa pangangailangan ng Jollibee Foods Corporation Yonghe King.

Nagkakahalaga ito ng US$ 10.4 milyon sa larangan ng mga pag-aari ng Happy Bee subalit walang lalabas na salapi sa panig ng Jollibee ayon sa kanilang kasunduan.

Mayroong 20 commissaries ang Jollibee sa buong daidig, 13 ang nasa Pilipinas, tatlo ang nasa Tsina, tatlo sa America at isa sa Vietnam.

Sa Pilipinas, mayroong 2,475 restaurants ang Jollibee na kinabibilangan ng 916 Jollibee, 439 Chowking, 231 Greenwich, 374 Red Ribbon, 459 na Mang Inasal. Mayroon din silang 56 na Burger King outlets.

Sa ibang bansa, mayroon silang 321 na Yonghe King sa Tsina, Hong Zhuang Yuan sa Tsina na may 42 restaurants, San Pin Wang na mayroong 59, Jollibee na mayroong 139 na kinabibilangan ng 32 sa America, 72 sa Vietnam, 13 sa Brunei, 10 sa Saudi Arabia, 3 sa Qatar, 4 sa Kuwait, isa sa Hong Kong, 2 sa Singapore, isa sa Bahrain at isa rin sa UAE. May 32 Red Ribbon sa America, samantalang mayroong 46 ang Chowking na kinabibilangan ng 19 sa America, 20 sa UAE, 4 sa Qatar, dalawa sa Oman, at isa sa Kuwait. May tatlong Ninja Bar sa US samantalang aabot na sa 3,117 mga tindahan at restaurants ng Jollibee sa buong daigdig.

May bahagi rin ang Jollibee sa pag-aari ng 50% interest sa ilalim ng joint ventures sa Highlands Coffee sa Vietnam at Pilipinas para sa 101 tindahan, 24 na Pho 24 Restaurants na umabot sa 36 na sangay sa Vietnam, Indonesia, Cambodia, Korea at Australia. kasama na ang 12 Sabu sa Tsina.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>