PINAMUNUAN ni Kalihim Albert F. Del Rosario ang pagpapasinaya sa inayos na Chancery Annex ng Pilipinas sa Washington, D. C. kamakalawa.
Si G. Del Rosario na nakatakdang lumisan sa kanyang posisyon sa ika-pito ng Marso ay nagpasalamat din sa mga kasapi ng Washington Community sa isang reception sa kanyang karangalan sa paglilingkod sa pamahalaan at mga mamamayan.
Si Philippine Ambassador to the United States Jose L. Cuisia ang sumalubong sa may 120 panauhin na kinabilangan ng mga mambabatas na Americano, dating American Ambassador to the Philippines Kristie Kenny at iba pang mga panauhin kabilang na ang ilang mga ambassador ng iba't ibang bansa sa Washington.
Dumalo rin sina Philippine Permanent Representative to the United Nations sa New York na si Ambassador Lourdes O. Yparraguirre; Consul General Generoso D. L. Calonge ng Chicado, Mario L. De Leon, Jr. ng New York, Consul General Leo M. Herrera-Lim ng Los Angeles, Consul General Henry S. Bensurto, Jr. ng San Francisco, Deputy Consul General Tomas Auxilian sa Agana, Guam at Deputy Consul General Roberto T. Bernardo ng Honolulu.
Nagpasalamat din si G. del Rosario sa lahat ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos.