Sa isang talakayan na idinaos nitong nagdaang Linggo, Feb 28, 2016 sa Beijing ng China Overseas Politics & Economics Research Center at Center for Regional Security Studies ng Chinese Academy of Social Sciences, ipinahayag ni Wang Jianye, Manager ng Silk Road Fund, na sa 2015 hanggang 2016, maraming pagbabago ang mangyayari sa pamumuhunan ng Tsina sa labas. Sabi niya, kasabay ng patuloy na pagbaba ng presyo ng mga bilihing gaya ng petrolyo, babagal ang paglaki ng pamumuhunang pang-enerhiya ng Tsina sa labas.
Sa kabila nito, bibilis naman aniya ang paglaki ng pamumuhunan ng Tsina sa larangan ng imprastruktura sa kabahaan ng land-based Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk. Noong 2015, lampas aniya sa 60% ang halaga ng mga bagong kontrata. Aniya pa, sa panahon ng "Ika-13 Five-year Plan" (2016-2020) ng Tsina, mabilis na pasusulungin ang pamumuhunan sa labas ng Tsina ng mga kompanya ng contracted projects.
Itinatag noong 2014 ang Silk Road Fund. Ito ay may layong intermediate at long-term na pamumuhunan. Ang capital fund nito sa unang yugto ay 10 bilyong dolyares.
Salin: Andrea