Ayon sa China News Service, ipinahayag sa Kuala Lumpur kamakalawa, Pebrero 23, 2016, ni Huang Huikang, Embahador ng Tsina sa Malaysia, na noong isang taon, umabot sa mga 30% ang contribution rate ng Tsina sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Aniya, ang Tsina ay nananatili pa ring pangunahing puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Ayon sa pagtaya ng International Monetary Fund (IMF), noong nakaraang taon, lumaki ng 3.1% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Tanging Tsina at India ang mga bansang may lampas sa 6% ang paglaki ng ekonomiya noong 2015.
Salin: Li Feng