Ayon sa ulat kahapon, Lunes, ika-29 ng Pebrero 2016, ng Konseho ng Estado ng Tsina, sa 25 target hinggil sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan na itinakda sa Government Work Report noong isang taon, 24 ang naisakatuparan. Ang siyang tanging target na hindi naisakatuparan ay paglaki ng pag-aangkat at pagluluwas.
Ang mga naisakatuparang target ay kinabibilangan ng pamumuhunang inilaan ng pamahalaan, paglalatag ng mga bagong daambakal, pagsasagawa ng mga proyektong patubig, pagtatayo ng mga government subsidized housing, pagbabawas ng mga limitasyon sa pamumuhunan ng pondong dayuhan, pagpoprodyus ng pagkaing-butil, pagbabawas ng emisyon ng carbon dioxide, pagtatanim ng mga punong kahoy, pagdaragdag ng hanapbuhay, pagbibigay-tulong sa mga mahihirap, at iba pa.
Salin: Liu Kai