Inalis kagabi, Marso 3, 2016, ng pamahalaan ng Indonesia ang alerto sa tsunami dahil sa malakas na lindol na may lakas na 7.8 sa Richter Scale.
Ang naturang malakas na lindol ay naganap noong ika-19 ng Pebrero (local time) sa karagatan na may halos 636 kilometrong layo sa dakong kanluran ng lalawigang West Sumatra ng bansang ito.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang naiulat na kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian.
Noong ika-26 ng Disyembre ng taong 2004, naganap ang malakas na lindol na may lakas na 8.9 sa Richter Scale sa karagatan sa dakong Hilaga ng Isla ng Sumatra ng Indonesia. Ang naturang lindol ay nagdulot din ng malakas na tsunami sa Indian Ocean na nakaapekto sa mga bansa sa Asya at Aprika.
Ang nabanggit na tsunami at lindol ay nagresulta sa pagkasawi ng di-kukulangin sa 226 libong katao.