|
||||||||
|
||
Jakarta, Indonesia—Nilagdaan dito noong Huwebes, ika-25 ng Pebrero 2016, ng Ministri ng Turismo ng Indonesia, at Baidu, Chinese search engine giant, ang kasunduan sa estratehikong kooperasyon. Magpupunyagi sila para i-promote ang yamang panturista ng Indonesia sa pamilihang Tsino, at maakit ang mas maraming turistang Tsino.
Si Arief Yahya, Ministro ng Turismo ng Indonesia
Sa seremonya ng paglalagda, sinabi ni Arief Yahya, Ministro ng Turismo ng Indonesia, na lampas sa 100 milyong persontime na Tsino ang naglakbay sa ibayong dagat noong 2015, pero 1 milyong person-time lamang ang bilang ng mga manlalakbay na Tsino sa Indonesia. Aniya, napakalaki ng pamilihang panturista ng Tsina, at napakalaki rin ng nakatagong lakas nito. Dapat pag-ibayuhin ng Indonesia ang promosyon na kinabibilangan ng estratehikong kooperasyon sa Baidu, dagdag pa niya.
Nilagdaan ng Ministri ng Turismo ng Indonesia at Baidu ang kasunduan sa estratehikong kooperasyon.
Ipinahayag naman ni Bao Jianlei, Direktor ng Baidu Indonesia, na kusang-loob na hinahanap ng mga turistang Tsino ang impormasyong may-kinalaman sa destinasyon ng kanilang paglalakbay, pangunahin na, sa Internet. Sa pamamagitan ng mga paraang tinatanggap at nagugustuhan ng mga user, ibabahagi ng Baidu ang mga impormasyon sa iba't ibang online tourism service platform, para makahikayat ng mas maraming turista sa Indonesia.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |