Nanawagan kahapon, Biyernes, ika-26 ng Pebrero 2016, sa panig militar ng Amerika si Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na itigil ang hype-up sa isyu ng South China Sea.
Winika ito ni Hong bilang tugon sa pananalita ni Harry Harris, komander ng United States Pacific Command, na kung itatakda ng Tsina ang Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa South China Sea, pawawalang-bahala ito ng Amerika.
Sinabi ni Hong na ang naturang pananalita ni Harris ay upang siraan ng puri ang mga makatarungan at makatwirang aksyon ng Tsina sa South China Sea, at habiin ang pangangatwiran para sa pagpapakita ng Amerika ng lakas sa karagatang ito.
Pagdating sa pagtatakda o hindi ng ADIZ sa South China Sea, sinabi ni Hong na ito ay depende sa kung pagbabantaan o hindi ang katiwasayang panghimpapawid ng Tsina. Dagdag niya, sa kasalukuyan, matatag sa kabuuan ang kalagayan sa South China Sea.
Salin: Liu Kai