Bilang tugon sa mga pananalita at aksyon kamakailan ng panig militar ng Amerika sa isyu ng South China Sea, ipinahayag ni Yin Zhuo, Kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, at beteranong opisyal ng hukbong pandagat ng Tsina, na ang mga ito ay bahagi ng Asia-Pacific rebalance strategy ng panig Amerikano, at ang intensyon nito ay para humadlang sa pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina.
Sinabi ni Yin na sa pamamagitan ng pagpapainit ng isyu ng South China Sea, gusto ng Amerika na makaapekto sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, at hadlangan ang pagbuo ng komong pamilihan ng dalawang panig.
Ipinalalagay din ni Yin na pananatilihin ng panig militar ng Tsina ang pagtitimpi, bilang tugon sa pagpasok ng mga bapor at eroplanong pandigma ng Amerika sa South China Sea. Aniya, ang pagmomonitor, pagtunton, at pagpalayas ay magiging katugong aksyon ng panig Tsino.
Salin: Liu Kai