Bilang tugon sa sinabi ni Ashton Carter, Kalihim ng Tanggulan ng Amerika, na hindi dapat isagawa ng Tsina ang militarisasyon sa South China Sea, binigyang-diin ngayong araw, Miyerkules, ika-2 ng Marso 2016, ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagdedeploy ng kanyang bansa ng mga pasilidad na pandepensa sa sariling teritoryo ay hindi militarisasyon.
Dagdag niya, ito ay pagpapatupad ng Tsina ng "right of self-preservation" at "right of self-defence" na itinakda ng pandaigdig na batas.
Sinabi rin ni Hong na ang pagpapalakas ng Amerika ng pagdedeploy militar sa South China Sea, pagdaraos ng mga pagsasanay militar, at pagpapadala ng mga bapor at eroplanong pandigma, ay mga aksyon ng militarisasyon. Ang mga ito aniya ay nagpapasidhi ng tensyon sa karagatang ito.
Nanawagan si Hong sa Amerika na igalang ang pagsisikap ng mga bansa sa rehiyong ito, para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea. Aniya, may kakayahan ang Tsina at ASEAN na magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Salin: Liu Kai