Ipinahayag kahapon (March 3, 2016) sa Kuala Lumpur ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia na isang working group ang ipapadala ng kanyang bansa sa Mozambique para suriin ang pinaghihinalaang labi ng bumagsak na MH370 ng Malaysia Airlines.
Aniya, ihahatid ang nasabing pinaghihinalaang labi ng MH370 sa Australia para sa ibayo pang pagsusuri, pero, hanggang ngayon, walang anumang detalye kung kailan ito dadalhin sa Australia.
Ipinahayag din ni Liow na mag-uusap sa Hunyo ang Malaysia, Austraila at Tsina, at sa panahong iyan, imumungkahi ng mga may-kinalamang dalubhasa mula sa nasabing 3 bansa ang hinggil sa paghahanap ng labi ng HM370 sa hinaharap. Ayon sa regulasyon ng International Civil Aviation Organization (ICAO), isasapubliko ang interim report sa ika-8 ng Marso, ika-2 anibersaryo ng pagbagsak ng MH370. Inaasahang masasaad sa ulat ang dahilan ng pagbagsak ng nasabing eroplano.
Noong ika-8 ng Marso ng 2014, nawala ang Flight MH370 habang lumipad mula Kuala Lumpur, Malaysia papuntang Beijing, Tsina. Ito ay may sakay na 239 na pasahero. Noong ika-29 ng Enero ng 2015, ipinatalastas ng Kawanihan ng Abiyasyong Sibil ng Malaysia na bumagsak ang nasabing eroplano, at nasawi ang lahat ng pasahero nito.
salin:wle