Ayon sa Xinhua News Agency, bago ang kanyang pagdalo ngayong araw, Marso 5, 2016, sa Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), ipinahayag ni Yuan Guiren, Ministro ng Edukasyon ng Tsina, na pagkaraang isagawa ng bansa ang two-child policy, tinaya ng may-kinalamang departamento na maaring dagdagan ng 3 milyong bata sa Tsina bawat taon. Aniya, kakaharapin ng preschool education ang napakalaking presyur.
Kaugnay ng naturang darating na presyur, ipinahayag ni Yuan na isasagawa ng Tsina ang mga hakbanging gaya ng pagpapabuti ng plano, pagpapadami ng mga preschool resources, at aktibong pagkatig sa pagpapatakbo ng mga enterprises and institutions ng mga kindergarten. Ang mga ito aniya ay naglalayong mapababa ang naturang presyur.
Salin: Li Feng