Biyernes ng hapon, ika-4 ng Marso 2016, bumisita si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Central Military Commission ng CPC, sa mga kagawad ng China Democratic National Construction Association at All-China Federation of Industry and Commerce na kalahok sa ika-4 na Sesyon ng ika-12 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC. Pinakinggan niya ang kuru-kuro at mungkahi ng mga kagawad.
Binigyang-diin ni Xi na ang pagsasagawa ng pundamental na sistemang pangkabuhayan na ang pangunahing bahagi nito ay public ownership, kasabay ng magkakasamang pag-unlad ng iba't ibang uri ng ownership, ay mahalagang patakaran at prinsipyo na tiniyak ng CPC. Dapat aniyang buong tatag na patibayin at paunlarin ang public economy, at himukin, katigan at patnubayan ang pag-unlad ng non-public economy.
Salin: Vera