|
||||||||
|
||
Sapul nang isagawa ang kasunduan ng tigil-putukan sa Syria noong ika-5 ng buwang ito, pinabilis ng pamahalaan ng Syria ang pagdating ng rekonsilyasyon sa mga oposisyon.
Nanawagan si Pangulong Bashar al Assad ng Syria sa lahat ng mga oposisyon na ibaba ang mga sandata at isagawa ang rekonsilyasyon sa pamahalaan. Ipinahayag din niya ang pagbibigayng amnestiya sa mga ito.
Ayon sa ulat kahapon, ika-5 ng Marso, 2016, ng Syrian Observatory for Human Rights (SOHR), sapul nang isagawa ang naturang kasunduan, kapansin-pansing nabawasan ang bilang ng mga marahas na sagupaan. Sa mga lugar na nasa saklaw ng kasunduan, 135 katao ang nasawi sa sagupaan, samantala, sa ibang mga lugar, 552 ang nasawi sa sagupaan.
Anang pahayag, hinihimok ng pamahalaan ng bansang ito ang mga armadong tauhan ng oposisyon na isalong ang mga sandata at lumahok sa prosesong pangkapayapaan.
Hanggang sa kasalukuyan, mayroon nang 1200 armadong tauhan ng oposisyon sa lalawigang Deraa ang nagbaba ng sandata para isagawa ang rekonsilyasyon sa pamaalaan.
Tinalakay noong ika-4 ng buwang ito sa telepono nina Pangulong Vlładimir Putin ng Rusya, Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, Pangulong François Hollande ng Pransya, Punong Ministro David Cameron ng Britanya, at Punong Ministro Matteo Renzi ng Italya, ang isyu ng Syria. Binigyang-diin nila na dapat sundin ng pamahalaan at mga oposisyon ng Syria ang kasunduan ng tigil-putukan. Nakahanda rin silang pahigpitin ang mga kooperasyon para lutasin ang malubhang makataong krisis sa bansang ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |