Ipinahayag kahapon, Pebrero 25, 2016 ni Mikhail Bogdanov, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya na posibleng magsagawa ng air raid ang Rusya, kasama ng Amerika, laban sa mga armadong grupo sa Syria na tatanggi sa tigil-putukan.
Noong Pebrero 22, narating ng Rusya at Amerika ang kasunduan para himukin ang mga nagsasagupaang panig sa Syria para isagawa ang tigil-putukan.
Ayon dito, sisimulan ang tigil-putukan mula ika-27 ng buwang ito.
Samantala, ipinahayag din ng Rusya at Amerika na magpapatuloy ang aksyong militar laban sa mga organisasyong teroristiko sa Syria.