|
||||||||
|
||
Damascus, Syria—Ang Pebrero 28 ay ikalawang araw sapul nang magkaroon ang tigil-putukan sa pagitan ng pamahalaan ng Syria at mga armadong grupo kontra-goberno noong hating gabi ng nagdaang Biyernes, Feb 26.
Ang nasabing makasaysayang tigil-putukan na kauna-unahang natupad nitong limang taong nakalipas sapul nang maganap ang Syrian crisis ay pinasulong ng Estados Unidos at Rusya. Mahigit 250,000 mamamayang Syrian ang namatay nitong limang taong nakalipas at halos kalahati ng 23 milyong populasyon ng bansa ay sapilitang lumikas ng matitirhan.
Gayunpaman, patuloy pa rin ang pag-atake ng Syria, Rusya at Amerika laban sa mga grupong teroristiko na kinabibilangan ng Islamic State (IS) at Nusra Front na may kaugnayan sa Al Qaida.
Sinabi ni Marwan, isang teknisyan na galing sa Tijara District ng Damascus, kabisera ng Syria na ang tunog ng kanyon ay malakihang nabawasan kung ihahambing noong panahon bago ang tigil-putukan.
Ang mga Syrian habang nag-e-enjoy ng gabi, sa downtown Damascus Feb. 28, 2016. (Xinhua/Ammar)
Ang magkaibigang Syrian na namamasyal sa gabi, sa downtown Damascus Feb. 28, 2016. (Xinhua/Ammar)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |