Sa news briefing ngayong araw ng sesyon ng ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), sinabi ni Xu Shaoshi, Direktor ng Pambansang Komisyon ng Tsina sa Pag-unlad at Reporma, na sa taong 2016, pabibilisin ang konstruksyon ng "Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road" o "Belt and Road initiative."
Sinabi niyang ibayo pang isasakatuparan ng Tsina at mga kasangkot na bansa ang mga nilagdaan kasunduan, pangunahin na sa kooperasyon sa kakayahan ng pagpoprodyus, at konstruksyon ng mga imprastruktura.
Dagdag pa niya, ibayo pang pahihigpitin ng panig Tsino ang tulong na pinansiyal para rito.
Bukod dito, inilahad din ni Xu ang mga natamong bunga ng konstruksyon ng "Belt and Road initiative" noong 2015 na kinabibilangan ng pagtatakda ng mga plano ng kooperasyon, pagsisimula ng mga aktuwal na kooperasyon, at pagdaragdag ng bolyum ng kalakalan at pamumuhunan.