|
||||||||
|
||
Binuksan ngayong araw, Marso 5, 2016, sa Beijing ang Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC).
Sa kanyang Government Work Report sa sesyon, sinariwa ni Premyer Li Keqiang ang mga gawain ng pamahalaan noong isang taon, mula sa mga aspekto ng pagpapatatag ng paglaki ng kabuhayan, pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, pagpapalakas ng sigla ng pamilihan, pagpapasulong ng reporma at pagbubukas sa labas, pagsasagawa ng bagong urbanisasyon, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at iba pa.
Iniharap ni Li ang mga target sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa taong 2016, at walong pangunahing aspekto ng mga gawain sa taong ito. Kabilang dito, itinakda sa 6.5% hanggang 7% ang paglaki ng GDP ng Tsina sa 2016. Sinabi ni Li na ang target na ito ay angkop sa kalagayan ng iba't ibang aspekto ng kabuhayan, pamilihan, lipunan, at reporma ng Tsina. Aniya, kung igagarantiya ang ganitong paglaki, maisasakatuparan ang magandang kalagayan ng paghahanapbuhay.
Isinalaysay din ni Li ang mga nilalaman ng outline ng ika-13 panlimahang taong plano ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, na binurador ng Konseho ng Estado. Ang dokumentong ito ay magiging patnubay sa mga gawain ng Tsina mula 2016 hanggang 2020.
Sa susunod na mga araw ng kasalukuyang sesyon, susuriin ng halos 3 libong deputado ng NPC ang government work report at burador na outline ng ika-13 panlimahang taong plano.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |