Bago lumahok sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), ipinahayag Sabado, ika-5 ng Marso 2016, ni Yang Chuantang, Ministro ng Transportasyon ng Tsina, na sa panahon ng ika-13 panlimahang taong plano hinggil sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at lipunan ng Tsina, palalawakin ng kanyang ministri ang pagbibigay-tulong sa mga mahihirap sa aspekto ng transportasyon. Ito ay naglalayong tulungan ang mga mahihirap na rehiyon na makahulagpos sa kahirapan sa lalong madaling panahon.
Dagdag pa ni Yang, ang pokus ng gawain ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap sa usapin ng transportasyon ay kontruksyon sa apat na aspekto. Ibig sabihin, mga highway at pambansang lansangan sa antas ng lalawigan; mga pambansang lansangan ng kanayunan sa mga mahihirap na rehiyon; proyekto ng pagpapataas ng kapaligiran at kalidad ng lansangan at pagkukumpuni sa mga mapanganib na tulay; at konstruksyon ng mga lansangan na may kinalaman sa mga industriya ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap na gaya ng turismo at luntiang industriya.
Salion: Vera