Kinumpirma nitong Sabado, Marso 5, 2016 ng World Health Organization (WHO)ang unang Zika case sa Laos.
Nitong nagdaang Pebrero, kinumpirma rin ng kapitbansang Thailand, ang unang kaso ng nasabing sakit.
Ipinatalastas noong Pebrero 12, 2016 ng WHO na posibleng ilabas sa loob ng darating na 18 buwan ang Zika vaccines.
Dumarami ang kaso ng microcephaly, depekto sa sanggol kung saan nagkakaroon ng masyadong pagliit ng ulo, sa mga bansang Latin Amerikano at Aprikano. Ito ay pinaghihinalaang may kaugnayan sa Zika virus na taglay ng Aedes aegypti mosquito na humahawa sa mga tao. Dahil dito, ipinatalastas ng WHO ang international health emergency.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio