Jakarta, Indonesia—Binuksan nitong Linggo, Marso 6, 2016 ang dalawang-araw na Ika-5 Extraordinary Summit ng Organization of Islamic Cooperation (OIC) hinggil sa mga isyu ng Palestina at Al-Quds Al-Sharif. Ang Al-Quds Al-Sharif ay tawag sa Jerusalem sa wikang Arabe.
Batay sa temang "United for a Just Solution," mahigit 500 kinatawan mula sa 49 na kasapi ng OIC, 3 bansang tagamasid, 4 na international quartet organizations at 5 permanent members ng United Nations Security Council (UNSC) ang kalahok sa naturang Summit.
Ayon sa Ministring Panlabas ng Indonesia, bansang tagapag-organisa ng nasabing summit, sa pamamagitan ng idinaraos na pulong, inaasahang mahihikayat ang komunidad ng daigdig na ihain ang resolusyon hinggil sa mga isyu ng Palestina at Al-Quds Al-Sharif.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio