Ayon sa Xinhua News Agency, sa kanyang talumpati sa pagtitipun-tipon bilang paggunita sa ika-97 anibersaryo ng "March 1st Movement," muling hinimok ni Pangulong Park Geunhye ng Timog Korea ang Hilagang Korea na itakwil ang planong nuklear nito sa lalong madaling panahon. Kung hindi, magkakasama aniyang ipapataw ng Timog Korea at komunidad ng daigdig ang presyur laban sa Hilagang Korea.
Ani ng Pangulong Timog Koreano, ang pagsasagawa ng Hilagang Korea ng nuclear test at paglulunsad ng "long-range missile," ay hindi lamang nagsasapanganib sa ekstensiya ng nasyon, kundi nagdudulot ito ng bantang substansiyal sa seguridad ng rehiyong Hilagang Silangang Asyano, at kapayapaan ng buong daigdig. Kaya, hindi dapat ipagwalang bahala ang isyung ito, dagdag pa niya.
Ipinahayag pa niya na hindi sususpendihin ng kanyang bansa ang diyalogo sa Hilagang Korea.
Salin: Li Feng