Ipinatalastas noong Biyernes, ika-4 ng Marso 2016, ng Unyong Europeo (EU) na inilakip na nito ang 16 na indibiduwal at 12 organo sa listahan ng sangsyon sa Hilagang Korea. Ito ang bagong hakbangin ng pagpapaibayo ng sangsyon sa Hilagang Korea, batay sa resolusyong pinagtibay noong ika-2 ng Marso ng United Nations Security Council (UNSC) na may kinalaman sa Hilagang Korea.
Nagpalabas ng komunike ang EU na nagsasabing isasapubliko ang konkretong listahan ng sangsyon sa Sabado. Sa kasalukuyan, ang lahat ng mga paraan ng sangsyon ay ipinapataw upang matupad ang kinauukulang resolusyon ng UNSC na may kinalaman sa Hilagang Korea. Nakatuon ito sa "malawakang pamuksang sandata na may kinalaman sa nuklear at ballistic missile plan" ng Hilagang Korea.
Salin: Vera