Sa preskon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idinaos ngayong araw, Martes, ika-8 ng Marso 2016, sa Beijing, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na ang inobasyon, reporma, at kaunlaran ay tatlong priyoridad ng G20 Summit na idaraos sa Hangzhou, Tsina, sa darating na Setyembre ng taong ito.
Ipinaliwanag ni Wang, na sa naturang summit, gusto ng Tsina na talakayin, kasama ng iba pang kasapi ng G20, kung paano bigyan ng bagong lakas na tagapagpasulong at bagong sigla ang kabuhayan, sa pamamagitan ng inobasyon, reporma, at kaunlaran. Ito aniya ay para pasulungin ang malakas na pagbangon ng kabuhayang pandaigdig. Dagdag ni Wang, gusto rin ng Tsina na pasulungin ang pagpapatupad ng mga kasapi ng G20 ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations, para isakatuparan ang inklusibo at komong pag-unlad ng daigdig.
Salin: Liu Kai