Sa preskon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idinaos ngayong araw, Martes, ika-8 ng Marso 2016, sa Beijing, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na bilang pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council, komprehensibo at lubos na ipapatupad ng Tsina ang Resolusyon 2270 hinggil sa Hilagang Korea.
Sinabi rin ni Wang na ang sangsyon ay kinakailangang paraan para sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, pero sa kasalukuyan, ang pinakamahalaga ay pagpapanatili ng katatagan, para hindi mawalang-kontrol ang kalagayan sa peninsula.
Dagdag pa ni Wang, ang talastasan ay pundamental na paraan para malutas ang isyung nuklear ng Korean Peninsula. Bukas aniya ang Tsina sa lahat ng mga mungkahi, para pasulungin ang pagbalik ng isyung ito sa talastasan.
Salin: Liu Kai