Ipinahayag ngayong araw, Marso 4, 2016, ni Tagapagsalita Fu Ying ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na kinikilala ng Tsina ang bagong resolusyong pinagtibay ng United Nations Security Council (UNSC). Nananalig aniya siyang mahigpit itong tutupdin ng Tsina.
Tinukoy ni Fu na sa naturang bagong resolusyon ng UNSC, inulit ang pagpapanumbalik ng Six-Party Talks, at "9.19" komong pahayag. Ipinangako rin nitong dapat mapayapang lutasin ang isyung ito sa diplomatikong paraan. Ito aniya ay palagiang iginigiit ng panig Tsino.
Idinagdag pa niya na mariing tinututulan ng Tsina ang pagpapaunlad ng sandatang nuklear ng Hilagang Korea. Dahil ito aniya ay nagsasapanganib, hindi lamang sa kapayapaan at katatagang panrehiyon, kundi maging sa kapakanang panseguridad ng Tsina at mga kapitbansa.
Salin: Li Feng