|
||||||||
|
||
Ipinahayag ng Tsina ang patuloy na pagkatig sa paghahanap at pagsusuri sa pagkawala ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines para malaman ang dahilan ng trahedya at matugunan ang kahilingan ng mga kamag-anakan ng mga nasawing pasahero.
Sa regular na preskon nitong Miyerkules, Marso 9, 2015, sinabi ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kasalukuyan isang specialized ship ng Tsina ang nakikilahok sa paghahanap sa Southern Indian Ocean sa pamumuno ng Australia.
Nitong Martes, inilabas ng pandaigdig na grupong pang-imbestigasyon ang interim statement na may kinalaman sa paghahanap ng nawawalang MH370.
Napag-alamang kung hindi pa matutuklasan ang labi ng nawawalang eroplano sa huling bahagi sa taong ito, muling magpupulong ang Malaysia, Australia at Tsina para itakda ang susunod na hakbang.
Noong ika-8 ng Marso ng 2014, nawala ang Flight MH370 habang lumilipad mula Kuala Lumpur, Malaysia papuntang Beijing, Tsina. Ito ay may sakay na 239 na pasahero at karamihan sa mga ito ay Tsino.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |