Ayon sa Xinhua News Agency, nanawagan kahapon, Marso 4, 2016, si Liow Tiong Lai, Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, sa mga kamag-anakan ng mga pasahero ng Flight MH370 na bago magtapos ang deadline na itinatadhana ng "The Montreal Convention", ibig sabihin, bago ang Marso 8, 2016, kunin nila ang kompensasyon sa Malaysia Airlines para maigarantiya ang kanilang sariling karapatan at kapakanang pambatas. Aniya, malinaw na nabatid ng Pamahalaang Malay na alinsunod sa pandaigdigan at panloob na batas, may sariling lehitimong karapatan ang mga kamag-anakan ng mga pasahero.
Noong isang buwan, muling ipinangako ng Malaysia Airlines na magkaloob ng pantay na kompensasyon sa mga pamilya ng mga nabiktimang pasahero.
Salin: Li Feng