|
||||||||
|
||
Kuala Lumpur, Malaysia—Sa bisperas ng dalawang taong anibersaryo ng pagkawala ng Flight MH 370 ng Malaysia Airlines, idinaos dito nitong Linggo, Marso 6, 2016, ng mga kamag-anakan ng mga biktima ang seremonya ng paggunita.
(photo credit: Xinhua)
Noong ika-8 ng Marso ng 2014, nawala ang Flight MH370 habang lumilipad mula Kuala Lumpur, Malaysia papuntang Beijing, Tsina. Ito ay may sakay na 239 na pasahero at karamihan sa mga ito ay Tsino.
Nitong Marso 4, 2016, hiniling ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia, sa mga kamag-anakan ng mga biktima na bago magtapos ang deadline na itinatadhana ng "The Montreal Convention", (bago Marso 8, 2016), kunin nila ang kompensasyon mula sa Malaysia Airlines para maigarantiya ang kanilang sariling karapatan at kapakanang pambatas.
Ipinahayag din niya noong March 3 na isang working group ang ipapadala ng kanyang bansa sa Mozambique para suriin ang pinaghihinalaang labi ng bumagsak na MH370 ng Malaysia Airlines.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |