PUMANAW na si dating Senate President Jovito Salonga. Nabatid ang balita sa isang tweet ni Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te.
Matagal na naratay sa banig ng karamdaman si Senador Salonga. Ayon kay Atty. Te, si Senador Salonga ang huling kandidato sa pagkapangulong kanyang ibinoto at tulad ni dating Senador Jose "Pepe" Diokno, magagaling na taong hindi naging pangulo ng Pilipinas.
Si Senador Salonga ang pangulo ng senado ng Pilipinas ng hindi na bigyan ng panibagong tratado ang mga Americanong magkaroon ng mga base militar sa Pilipinas.
Wala pang impormasyon sa magaganap na pagpaparangal at paghahatid sa huling hantungan sa dating pangulo ng senado.
Pumanaw si Senador Salonga sa edad na 95.