|
||||||||
|
||
NANGUNA si Senador Grace Poe sa isang survey ng Pulse Asia na ginawa noong ika-30 anibersaryo ng People Power Revolution. Ang survey ay ginawa mula noong ika-16 hanggang ika-27 ng Pebrero at ginastusan ng radio-television network na ABS-CBN.
Lumabas na nagkaroon si Poe ng 25% sa mga respondents samantalang pangalawa si Vice President Jejomar Binay na nagkaroon ng 24%. Pangatlo naman si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nagtamo ng 22% samantang nasa ika-apat na puwesto si Interior and Local Government Secretary Manuel "Mar" Roxas II na nagkaroon ng 19%. Nasa ikalimang puwesto si Senador Miriam Defensor-Santiago na may 3%.
Sa lapit ng agwat nina Senador Poe at Vice President Binay, sinabi ng Pulse Asia na mayroong statistical tie.
Sa isang media release mula sa Pulse Asia, halos parehong porsiyento ng mga Filipino ang boboto kina Senador Poe (26%) o Vice President Binay (24%) kung ang halalan ay idinaos noong panahon ng survey.
Nangunguna si Poe sa Metro Manila (30%) at sa buong Luzon (32%) samantalang nananatiling malakas sa Visayas si Roxas na nagkaroon ng 33%. Samantalang, si Duterte ang napipisil na kandidato ng mga taga-Mindanao (47%).
Statistical tie din sina Poe at Binay noong mag-survey ang Pulse Asia noong ika-15 hanggang ika-20 ng Pebrero. Si Duterte ang nangunguna sa Class ABC sa pagkakaroon ng 27% samantalang si Poe ang napipisil ng Classes D at E.
Sa pagka-bise presidente, nangunguna sina Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Senador Francis Escudero sa pagkakaroon ng 26% samantalang si Administration candidate Leni Robredo ang pangatlo na mayroong 18%. Nasa ikatlong puwesto si Senador Alan Peter Cayetano na mayroong 13%. Si Senador Gringo Honasan ay mayroong 6% at si Senador Antonio Trillanes naman ang nagtamo ng 5%.
Kahit pa dinudurog si Senador Marcos sa mga abusong ginawa ng kanyang ama, nangungunang kandidato siya sa Metro Manila na nagtaglay ng 34% at sa ibang bahagi ng Luzon ay 33%. Si Robredo naman ang nanguna sa Visayas na nagkaroon ng 30% at si Cayetano ang napipisil ng mga taga-Mindanao sa pagkakaroon ng 24%.
Si Marcos ang nangungunasa Classes ABC at D samantalang si Escudero naman ang nangununang kandidato ng Class E.
Ginawa ang survey samantalang tinatalupan ni Pangulong Aquino si Senador Marcos.
Nagkaroon ng 5,200 mga botanteng mula 18 taong gulang pataas, na may biometrics at mayroong plus or minus 1.4% margin of error na nagtataglay ng 95% na confidence level.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |