|
||||||||
|
||
UMABOT sa 21,150 mga sasakyan ang naipagbili noong nakalipas na Pebrero na kinakitaan ng kaunlarang 22% kung ihahambing sa benta noong nakalipas na Pebrero ng 2015 na nagkaroon ng 20,663 units.
Ayon sa ulat ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA), mas malaki ang benta sa nakalipas na buwan ng Pebrero ng may 6% kung ihahambing sa benta noong nakalipas na Enero na nagkaroon ng 23,808 units.
Sa mga sasakyang pampasahero, ginamit ng mga mamimili ang promosyon sa taong 2016 sa paglago mula sa 8,149 units noong Pebrero ng 2015 at natamo ang 9,819 na unit noong Pebrero ng taong ito. Sa commercial vehicles naman, tumaas ng may 22% sa bentang 15,332 units kung ihahambing sa 12,514 units noong Pebrero ng nakalipas na taon.
Pinakamalaki ang natamong pag-unlad ng benta ng Heavy Duty Trucks and Buses sa pagkakaroon ng paglagong 91% na nagkamit ng 296 na units noong Pebrero mula sa 155 units noong Pebrero ng 2015. Ang light trucks ay nagkaroon ng 35% na dagdag sa bentang 947 units kung ihahambing sa benta noong Pebrero ng 2015.
Sinabi ni Atty. Rommel Gutierrez na magandang panimula ito ng taon sa industriya ng mga sasakyan. Umaasa silang makapagbebenta ng may 350,000 units ngayong 2016 sa pagkakaroon ng 10% dagdag sa benta noong nakalipas na taon.
Nangunguna pa rin ang Toyota Motor Philippines sa pagkakaroon ng 39.8% market share at sinundan ng Mitsubishi Motor Philippines Corporation na nagtaglay ng 19.9%, Ford Motor Company Philippines ang pangatlo sa 10.5% share at ang Isuzu Philippines ang pang-apat sa 8.5% na nakamtan at nasa ikalimang puesto ang Honda Cars Philippines na nagtamo ng 7.5% share.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |