|
||||||||
|
||
Ayon pa sa ulat, ang layo ng paglipad ng dalawang missiles ay umabot sa halos 500 kilometro.
Ipinahayag ng JCS na matamang sinusubaybayan ng panig mililitar ang mga may kinalamang kalagayan para komprehensibong makatugon sa anumang biglaang pangyayari.
Pinagbitay noong ika-2 ng buwang ito ng UN Security Council ang resolusyon bilang 2270 para kondenahin ang pagsasagawa ng Hilagang Korea ng pagsubok na nuklear at paglulunsad ng satellite sa pamamagitan ng teknolohiya ng ballistic missile.
Ipinasiya rin ng UNSC na gamitin ang isang serye ng mga sangsyon para mapigilan ang planong nuklear ng Hilagang Korea.
Bukod dito, nanawagan ang UNSC sa iba't ibang may kinalamang panig na panumbalikin ang Six Party Talks.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |