Ayon sa panig militar ng Timog Korea, dalawang ensayong militar ("Key Resolve" at "Foal Eagle") ang nakatakdang idaos ng Timog Korea at Amerika, mula Marso 7 hanggang Abril 30, 2016.
Ayon sa ulat, bilang pinakamalawak na ensayong isinagawa ng dalawang panig, sapul noong Marso 2010, ipapadala ng Timog Korea ang mahigit 300 libong sundalo. Samantala, 15 libo namang sundalong Amerikano at kasangkapang militar na kinabibilangan ng air craft carrier at nuclear submarine ang lalahok sa nasabing pagsasanay.