Kaugnay ng total solar eclipse na naganap kahapon nitong Miyerkules, Marso 9, 2016, ipinahayag ni Arief Yahya, Ministro ng Turismo ng Indonesia, na ang mga aktibidad kaugnay ng total solar eclipse ay kumita ng 1.3 trilyong Indonesian Rupiah o halos 100 milyong Dolyares.
Upang salubungin ang total solar eclipse, sinimulan isang taon ang nakaraan ng naturang departamento ang mga aktibidad ng pagpopromote na gaya ng konsyerto, paligsahan ng dragon boat, at pagsasapubliko ng panggunitang selyo.
Dahil dito, inireserba ng mga turista ang lahat ng mga hotel sa mga lalawigan ng bansang ito kung saan kitang kita ang eclipse at mayroon ding mga turista ang sumakay ng mga bapor para panoorin ang total solar eclipse sa dagat.
Ang huling total solar eclipse sa Indonesia ay naganap noong 1995 at ang susunod ay gaganapin sa 2042.
Salin: Ernest