Sa kanyang paglahok sa taunang sesyon ng Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC), ipinahayag ngayong araw, Biyernes, ika-11 ng Marso 2016, ni Yao Bin, kagawad ng CPPCC at punong tagasanay ng China Figure Skating Team, ang pag-asang, sa pamamagitan ng pagtataguyod ng 2022 Beijing Winter Olympics, ibayo pang pasusulungin ang ice-snow sports ng Tsina.
Sinabi ni Yao na sa kasalukuyan, hindi malaki ang bilang ng mga atletang Tsina para sa ice-snow sports, at atrasado ang mga pasilidad. Umaasa siyang sa pamamagitan ng pagtataguyod ng naturang olimpiyada, babaguhin ang mga kalagayang ito.
Dagdag ni Yao, sa Tsina, mas pabor sa ice-snow sports ang mga mamamayan sa hilagang bahagi ng bansa. Umaasa siyang sa pamamagitan ng pagtataguyod ng winter olympics, lalahok sa ice-snow sports ang mas maraming mamamayan mula sa mga iba pang lugar ng Tsina.
Salin: Liu Kai