|
||||||||
|
||
Nagpulong nitong Lunes, Enero 25, 2016, ang Organizing Committee para sa 2022 Beijing Paralympic Winter Games. Ito ay hudyat ng pagsisimula ng paghahanda para sa nasabing palaro.
Kabilang sa mga kalahok ay walong miyembro ng International Paralympic Committee (IPC) na pinamumunuan ni Xavier Gonzalez, IPC Chief Executive Officer.
Sinabi ni Gonzalez na matagumpay na idinaos ng Beijing ang 2008 Paralympic Games at sapul noon, nagpapasulong ito ng mga usaping may kinalaman sa may kapansanan.
Ipinagdiinan din ni Gonzalez na dahil isang buwan pa lang nang mabuo ang Organizing Committee para sa 2022 Beijing Paralympic Winter Games, sa kasalukuyang yugto, kailangang matuto ang mga miyembro ng nasabing komite hinggil sa Winter Paralympics. Kasabay nito, maaari na ito aniyang magsimula ng panlahat na plano hinggil sa 2022 Paralympic Winter Games.
Sinabi naman ni Zhang Jiandong, Pangalawang Alkalde ng Beijing at Pangalawang Tagapangulong Tagapagpaganap ng nasabing Organizing Committee na sisimulan nang ayusin ang mga stadium at pasilidad para mapaginhawa ang mga manlalarong may kapansanan. Kasabay nito, magpapalaganap din sila ng mga aktibidad na pampalakasan para sa mga may kapansanan.
Bilang Olympic at Paralympic Organizer sa pangalawang pagkakataon, ang mga stadiums na ginamit para sa 2008 Olympics at Paralympics na gaya ng "Bird's Nest" national stadium at "Water Cube" aquatics center ay aayusin at gagamitin sa 2022. Walong venues pa ang itatayo o aayusin sa Zhangjiakou, siyudad malapit sa Beijing na pagdarausan ng karamihan sa mga snow event sa 2022.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |