Ayon sa awtoridad ng turismo ng Singapore, noong 2015, tumaas ang bilang ng mga turistang dayuhan sa Singapore, pero, lumiit naman ang kita ng Singapore mula sa industriyang panturista. Ipinalalagay ng nasabing awtoridad na ito ay apektado ng di-matatag na lagay ng kabuhayang pandaigdig at di-magandang lagay ng mga pangunahing salapi ng daigdig.
Ayon sa estadistika, noong 2015, umabot sa 15.2 milyon ang bilang ng mga turistang dayuhan sa Singapore, na mas malaki ng 0.9% kumpara noong 2014. Samantala, umabot sa 22 bilyong Singapore Dollars ang kita ng industriyang panturista, na mas mababa ng 6.8% kaysa noong 2014.