Idinaos kahapon, Marso 12, 2016, ang pulong ng Law Committee (LC) ng Ika-12 Pambansnag Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, para suriin ang panukalang batas ng Charity Law batay sa mga mungkahi ng mga delegasyon ng mga lalawigan sa NPC.
Ang nilalaman ng naturang panukalang batas ay kinabibilangan ng mga sistematikong tadhana hinggil sa mga organisasyong pangkawanggawa, aksyon ng pag-abuloy, hakbangin ng paggarantiya at pagsusuperbisa.
Pagkatapos ng pagsusuri ng LC, isusumite nito ang naturang panukalang batas at ulat ng pagsusuri sa grupong tagapangulo ng NPC para isagawa ang ibayo pang pagsusuri.
Pagkatapos ng pagsusuri ng grupong tagapangulo, isusumite ang naturang panukalang batas sa sesyon ng NPC para sa pagboto.
Salin: Ernest