Sa preskon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idinaos ngayong araw, Sabado, ika-12 ng Marso 2016, ipinahayag ni Zhou Xiaochuan, Gobernador ng People's Bank of China, bangko sentral ng bansa, na sa halip ng pagluluwas, ang pangangailagang panloob ay magiging pangunahing lakas na tagapagpasulong sa paglaki ng GDP ng Tsina.
Sinabi ni Zhou na batay sa kalagayang ito, patuloy na isasagawa ng Tsina ang matatag na mga patakaran ng salapi at exchange rate, at hindi gagamitin ang mga patakarang ito para pasiglahin ang pagluluwas. Pero dagdag pa niya, mananatiling maluwag ang naturang mga patakaran, bilang tugon sa mga nakatagong panganib sa aspekto ng kabuhayan at pinansyo sa loob at labas ng bansa.
Salin: Liu Kai