|
||||||||
|
||
Hiniling kahapon, Marso 10, 2016, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pagpapasulong sa pangangalaga sa kapaligiran, pagbibigay-tulong sa mga mahihirap, at pag-unlad sa mga rehiyon ng pambansang minoriya ng bansa.
Winika ito ni Pangulong Xi sa kanyang pagdalo sa pagsusuri ng delegasyon ng probinsyang Qinghai sa bahaging hilagang kanluran ng bansa.
Pinakinggan ng Pangulong Tsino ang opinyon ng walong (8) deputado tungkol sa berdeng pag-unlad, repormang medikal, pagkakapantay-pantay sa edukasyon, pagkakaisa ng mga pambansang minoriya, at katugong hakbangin sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap.
Sinabi ni Pangulong Xi na "tulad ng pangangalaga sa mga mata, dapat pangalagaan din ang kapaligiran."
Idinagdag ni Xi na dapat magkakasamang magsikap ang buong lipunan para hawakan ang isyu ng karalitaan. Dapat din aniyang tiyakin na matatapos ang mga gawain sa pagbabawas ng karalitaan sa mga mahihirap sa kanayunan at sakahan, bago ang taong 2020.
Ipinagdiinan pa ng Pangulong Tsino na dapat igalang ang pagkakaiba at dibersidad na kultural ng mga pambansang minoriya.
Bukod dito, dumalo si Premyer Li Keqiang sa pagsusuri ng delegasyon mula sa Xinjiang. Dumalo si Wang Qishan, Secretary of the Central Commission for Discipline Inspection ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa pagsusuri ng delegasyon mula sa Jiangsu. Dumalo rin si Pangalawang Premyer Zhang Gaoli sa pagsusuri ng delegasyon mula sa Tibet.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |